Friday, 27 July 2018

Deniece Cornejo at Cedric Lee: GUILTY ang hatol sa kasong pambubugbog kay Vhong Navarro

Deniece Cornejo at Cedric Lee: GUILTY ang hatol sa kasong pambubugbog kay Vhong Navarro


Matapos ang mahigit apat (4) na taon, tuluyan nang hinatulan ng Taguig City Metropolitan Trial Court na GUILTY sa kasong Grave Coercion ang negosyanteng si Cedric Lee at modelong si Deniece Cornejo kaugnay sa nangyaring pambubugbog sa aktor – host na si Vhong Navaroo noong Enero 2014.

May nakabinbin pang kaso ng Perjury at Serious Illegal Detention ang aktor laban kay Cedric Lee kaugnay ng pagkakakulong ni Navarro matapos aniya itong mabugbog ni Lee at mga kasamahan nito sa paniniwalang gagahasain umano niya ang dalagang modelo sa loob mismo ng tinitirhang condo unit at ang isyung pangingikil para hindi na lumaki ang isyu.

Ibinasura naman ng Department of Justice (DOJ) ng mahigit 2 beses ang kasong rape na isinampa ni Cornejo laban sa aktor.

Ayon naman sa inisyal na panayam nito sa GMA noon pang 2014, sinabi ni Lee na kasama niya ang kanyang ate na si Berniece ng maabutan ang aktor - host na si Vhong Navarro na nagtangka daw halayin ang kaibigang si Denice Cornejo. Kwento ni Lee, may lakad daw di - umano sila noong gabing iyon.

Deniece Cornejo at Cedric Lee: GUILTY ang hatol sa kasong pambubugbog kay Vhong Navarro

Aniya, "by the time we got there to pick her up, at around 10:30 to 10:45, when we reached the 2nd floor, by the time we approached the door of her condo unit, may naririnig kaming mga sigaw sa loob. We thought may nag - aaway lang. So, we opened the door. Fortunately, it was not locked. Dumeretcho kami sa loob ng bedroom kasi yung bedroom naman niya walang pintuan, kortina lang."

Kasama rin daw nila ang isang dayuhang nakilalang si Zimmer Raz na isang martial arts expert. Ayon kay Lee, sumaklolo lang daw di - umano sila kay Deniece pero nanlaban ang aktor kaya sila nagka - pisikalan.

"Hindi po kami ang naghubad sa kanya, naabutan po namin siyang nakahubad. At tinali lang po namin ang kamay niya sa likod dahil pinipilit niyang tumakas at pumapalag siya sa amin. Tinali rin namin ang paa niya para hindi siya makatakbo habang tumatawag kami sa maghahatid samin sa Police Station."

Dagdag pa nito, "Sumusuntok din siya pabalik eh. So, kailangan na namin talaga siyang upakan. Kaya nabasag ang mukha niya ng ganon."

Ayon sa nauna nang balita ng Radyo Inquirer 990AM, nasa Los Angeles, California si Vhong nang isiniwalat ng korte ang desisyon at maluwag na tinanggap ang pagkakahatol sa dalawa kabilang na ang pagkaka – ugnay sa nagngangalang Jed Fernandez na kasama ng mga akusado.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Visit and follow our website: TRENDING NEWS PHIL

© TRENDING NEWS PHIL

Loading...

0 comments

Post a Comment